038 - Tulad sa Ama kung Tumingin

Tulad sa ama kung tumingin
Sa isang anak na nagtataksil;
Anumang sama, anumang itim,
Ang ating sala ay lilinisin.

Tulad sa ama kung tumanggap
Sa alibughang lumayong anak;
Ang dibdib niya'y palaging bukas,
Ang kanyang kamay ay nakaunat.

Tulad sa ama kung dumamay
Sa kanyang anak na minamahal;
Binabantayan kung naliligaw
At inaakay sa wastong daan.

Tulad sa ama kung mahabag
Sa anak niyang napalilingap;
Puso'y malambot sa tumatawag,
Di nagmamaliw hanggang sa wakas.

0:00 0:00